****:
lutz asan ka na?
bat nawawala ka?
san ka ba nagpunta?
at saan mo balak pumunta?
Lutz:
doon sa may ilog
gusto ko sanang kalimutan na
hindi ako si lutz
ako si noel sasama ka pa ba?
****:
hindi ba ikaw si lutz?
ako si noel
ano ka ba?
nasisiraan ka na ba?
Lutz:
palagay ko malapit na
nawawala na nga ako
hindi ko alam
kung saan hahanapin ang sarili ko
Noel:
paano na ako?
kung wala ka na?
hindi ba mawawala rin ako?
ikaw at ako ay iisang tao
Lutz:
ewan ko
nalalabuan na rin ako
sana lang magkaliwanagan tayo
hindi na ako si lutz
Noel:
kung hindi na
sino ako?
Lutz:
ikaw?
sino ka nga ba?
Noel:
sabihin mo sa akin yun
kinuha mo ang lahat sa akin
Lutz:
lahat?
anong lahat?
Noel:
lahat ng bagay
lahat ng masaya
Lutz:
pwera sa isa
sa iyo siya napunta
Noel:
ha?
anong ibig mong sabihin?
Lutz:
wala tama na
wala na akong posisyon pa
Noel:
teka saan ka pupunta?
hindi pa tayo tapos mag...
Lutz:
paalam na
paalam...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment